zhjchv0226
Realizable umano ang budgetReplica Handbags ng Munisipyo ng Guimba para sa taong 2008 kaysa sa nakaraang taon. Ito ang lumalabas sa pagtalakay ni G. Alvin Padre, OIC sa Budget Department ng Munisipyo nitong Huwebes, Marso 6, 2008, sa programang Guimba Ngayon sa episode na “Gastusin sa Bayan, Sagot ni Juan”.Ayon pa sa Budget Officer, kung nitong 2007 ay tumaya ng budget na P108,147, 628.33, ngayong 2008 ay umaabot na lang sa P107, 662, 256.00, mas maliit ng kaunti kaysa sa nakaraang taon.
Inisa-isa ni Alvin Padre kung saanReplica Louis Vuitton manggagaling ang tinarget nitong budget. Unang binanggit ang koleksyon mula sa IRA o internal revenue allotment na manggagaling sa national government na nagkakahalaga sa mahigit P86M sa loob ng isang taon o P7.2 M buwan-buwan.Sumunod ang koleksyon sa real property tax o RPT na tinataya nila sa halagang P14M. Ngunit agam-agam ni Alvin, noong nakaraang taon ay P2M lamang umano mula sa RPT ang pumasok sa kabang yaman ng Munisipyo. Bukod sa IRA at RPT, inaasahan din ang Tax & Licenses at P 5.7 M ang target collection habang P12M naman ang estimated income sa palengke at slaughter house.
Bukod sa mga naihanay ay mayroon pa umanong Louis Vuitton handbagsibang maliliit na pagkukuhanan ng income at sa pamamagitan umano ng suporta ng taong bayan ay tinatayang malalagpasan ang mahigit P107M na approved budget para sa taong 2008.
Ilang opisyal ng Munispyo ng Guimba ang nabatid na gumagampan ng mahigit sa isang tungkulin bilang panakip sa mga nabakanteng posisyon.
Sa programang Guimba Ngayon nitong Gucci handbagsHuwebes, Marso 6, 2008, nabatid na pinangangasiwaan ni G. Alvin Padre ang Budget Department kasabay sa pamumuno din sa Accounting Department at bukod dito si G. Padre ay siyang ring naging Chairman ng Komite de Pisteho sa katatapos na Guimba Fiesta.Ayon kay G. Alvin Padre, naging budget officer siya nitong nakaraang taon, kapalit ni G. Abraham Coloma at naging Officer in Charge naman sa Accounting Department ngayong 2008.
Nabatid din mula kay Padre na hindi siya Prada Handbags isang certified public accountant, ngunit gayunpaman ay kumpleto umano siya sa training na ibinibigay sa mga LGU. Sa loob umano ng nakaraang 3 taon, ito ay nakadalo sa mga seminar at tranings kaugnay sa pinapatutupad na bagong alituntunin sa government accounting system.’Pinaliwanag din ni Padre na ang gawain umano sa budget ay seasonal lamang at ang kasagsagan ng trabaho dito ay sa panahon ng paghahanda na sinisimulan ditto sa Guimba sa buwan ng Hulyo. .